Filipino Ka Ba?
Filipino Ka Ba? Talaga? Paano ba malalaman kung tunay kang Filipino o hindi? sa pananamit mo ba? sa gawi mo ba? sa kinakain mo ba? uhum.... teka muna. Marunong ka ba talaga ng Wikang Filipino?Pinoy daw o?
Nakakatuwang malaman na marami sa ating mga kababayan na nasa ibang bansa ang patuloy na ginagamit ang ating Wikang Filipino. Gaano nga ba kadalisay ang pagkakagamit ng wikang ito. Magagaling tayong mga Pinoy, madali tayong matuto at higit sa lahat may kakayahan tayo na maipalaganap sa buong mundo hindi lang ang husay at talino natin kundi maging sa ating pananalita ng tama.
Naalala ko nang una kung pagpunta sa Mindanao. Dahil alam nila na ako ay taga Maynila, inaabangan nila kung paano ako magpapakilala sa kanila. Bawat isa ay binigyan ng pagkakataon na magsalita at magpakilala ng kanilang sarili, may Ilocano, Cebuano, Ilonggo, Waray at iba pa. Noong pagkakataon ko nang magsalita, tinanong ako: "Taga asa ka "day?" sumagot ako ng "Taga Maynila po".
At nagsalita ako sa Wikang Filipino, nagustuhan naman ng lahat kaya sinabihan ang bawat isa na gamitin ang wikang alam nila ng walang halong iba wika dahil mas magandang pakinggan at masarap namnamin.
Natutuwa ako na marinig ang iba na magsalita ng Ilocano, Waray, Cebuano at iba pa. Marami akong nakasama sa iba't-ibang lugar na gumagamit ng kanilang diyalekto ngunit walang maglakas ng loob na turuan ako. (hindi ko alam kung nahihiya ba sila o ayaw nilang magturo sa akin) Sayang naman gusto ko pa naman silang maintidihan at makapag-usap din kami sa wikang nakagisnan nila. Ngunit isa sa pinakagusto ko ay ang malaman na ang bawat Filipino ay marunong ng salitang Filipino (Tagalog).
Nalulungkot ako sa tuwing maririnig ko sa radyo at telebisyon ang ibang mamamahayag na hindi man lang makapagbigkas na maayos na Wikang Filipino. Alam naman natin na may mga salita tayo na pareho ng baybay ngunit iba naman ang bigkas kaya iba din ang pakahulugan nito. May mga panayam na sana ay maging daan upang magising ang lahat na ang pagsasalita sa sariling wika ay mahalaga. Sa mga panayam na ipinapakita sa telebisyon na gumagamit ng sarili nilang wika ay dapat marinig ng lahat. Kadalasan kasi ay pinapatungun ng English o kaya ay ibang salita. Maari namang maglagay ng katumbas na salin nito sa wikang Filipino na nakasulat na lamang sa ibaba upang mabasa ng lahat. At higit sa lahat marinig din ito ng ibang nakakaunawa.
Naalala ko na sumulat na minsan na rin akong sumulat ng maikling lathalain sa isang pahayagan tungkol sa pagbubuklod ng mga Filipino at ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng Wikang Filipino. Sana naman ay maging dalisay ang paggamit natin ng mga salita na may tamang bigkas sa ating wika.
Sikapin nating mahalin ang ating wika. Ito ang pagkakakilanlan ng ating lahi.
Oo nasa maayos na pananamit? Ang kasuotang Filipino isinusuot pa ba natin ito araw-araw? (Hindi na nabago na kasi tayo ng panahon. Sige nga magsaya ka araw-araw eh bukod sa malakas ang ulan bumabaha pa.) Ang mahalaga maayos kang manamit, nakakakitaan ng paggalang sa sarili mong pangangatawan, sa sarili mong pagkatao.
Oo nasa tamang gawi natin ito? ang tanong magalang pa rin ba tayo?may po at opo pa rin ba ang pagsasalita natin? nagmamamno pa ba tayo (teka alam pa ba ng ating mga kabataan ito? )
Sa kinakain ba natin ito? Alam pa ba nating kumain ng lutong Pinoy? Naalala ko ang mga kabataan na sinasabihan ko na ang pagkain ay suman.... kalamay....ang sagot " Aaaaaaah! Ano po yun?"Mga kakaning pinoy na di naman nila alam kasi di na nabibili sa lugar na kanilang pinupuntahan.
O sige, bumawi ka na lang. Sanayin mo ang sarili mong magsalita sa Wikang Filipino. At kapag sanay ka na, saka mo pag-aralan ang wikang banyaga. Kung kaya nating matutunan ang wikang banyaga, mas kaya nating pagbutihin ang ating wikang pambansa.
(larawan kuha noong Hunyo 2011)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento